Wednesday, February 23, 2011

This Feels Home

Sa dinami-dami ng oras kong nasayang kakapili ng cute na theme sa tumblr ay babalik din pala ako dito. Kaya heto, magsisimula ako ulit mag-post dito sa madrama kong mundo.

Pansamantala, gusto kong magsulat sa sarili kong wika. Wala lang, gusto ko lang masanay. Pasensya na kung ingles ang pamagat ko sa post na ito. Corny kasi kapag tinagalog ko.

Haay, siguro bukas ay magsisimula akong sumulat ng liham sa minamamahal kong kaibigan. Sana lang at marunong syang mag-internet para mabasa nya ito. Siguro inaasahan pa nya ang liham kong galing sa kartero. Excuse me, hindi na uso yun ano. Iba na ang panahon ngayon. Pa-blog-blog nalang. Buong mundo makakabasa ng sinasaloob mo.

O sya, inaantok na ako. Bukas na lang ulit. May pupuntahan akong launch ng isang fashion magazine bukas, hindi ko alam ang isusuot ko. Kaibigan ko kasi ang nag-imbita, bahala na.

No comments: