Wala akong magawa ngayon. Bukod sa paulit-ulit na pagtulog at pag-gising, wala akong ginawa kundi kumain nang kumain. Ilang araw palang lumipas ay lobo na naman ang mukha ko, tila marshmallow na punong-puno ng hangin.
Dahil sa wala akong magawa, nagbasa na lamang ako ng ibang personal na blog ng mga taong tinitingala ko. Tinitingila ko dahil matagumpay sila sa sari-sarili nilang buhay. Lagi silang nagpo-post ng mga kanya-kanya nilang tagumpay at lagi akong na-iinspire kapag nababasa ko ito. Pero higit sa na-iinspire, nahihikayat akong magsumikap nang todo para maging katulad nila. Okey ito, pero minsan, darating nalang yung mga oras na tatamaan ka ng matinding pagod at kalungkutan at maiisip mo na hindi madali ang buhay. Kaya ang una mong gagawin ay kaawaan ang sarili mo.
At hindi okey yun.
Nagulat ako nang mabasa ko ang mga blog posts na katulad ng mga nabanggit ko. Nabasa ko ang parehong mesahe ng kalungkutan at pagkabigo ng mga taong tinitingala ko. Nagulat ako at naisip ko bigla, pareho-pareho pala kami ng mga nararamdaman. Tao din pala sila. May tagumpay man pero may pagkabigo din pala. Isa lang ang itinanim ko sa isip ko pagkatapos: Higit na matamis ang tagumpay kung ito'y dumanas ng higit ding kabiguan.
Wala lang.. Ngunit kung sa bawat araw ay hihingin lamang natin ang grasya ng Diyos na mapgtagumpayan ang lahat ng kahinaan, mas cool. Ito ang pinakamatamis sa lahat. Wala kang gagawin kundi panoorin ang kamay ng Diyos na kumilos sa buhay mo. Magtiwala ka lang, at ipapakita Nya sa'yo sa bawat mong hakbang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
beautiful post, Tinay.
Post a Comment