Susubukan ko lamang magsulat sa sarili kong wika, ang Filipino.
Kaninang umaga, katulad ng ibang mga nakaraaang umaga kung saan ako'y gumigising sa matitinis na kahol ng mga aso sa aming bakuran, ay nagising naman ako sa napakalakas na tawanan at mala-broadcaster na boses ng mahal kong ina. Ayun na nga, dumating na ang mahal kong Lolang si Lola Mariet na galing ng Amerika. At hindi ako nagtaka, sa aking pagsalubong sa kanya ay may isang styro-pack ng Pansit Palabok na mula sa Jollibee na nakahain sa lamesa. Paborito kasi iyon ni Lola. Kaya iyun ang pagkaing inihanda sa kanya.
Hindi na rin ako magtataka, na ngayong gabi sa aking pag-uwi ay may masarap na hapunan na hinanda para kay Lola. Pansit Bihon. Oo, ito rin ang paborito ni Lola.
At sa mga susunod na bukas, alam ko rin kung ano ang o-orderin namin sa mga restawran na aming kakainan sa pagdiwang ng pagbalik ni Lola. Pansit Malabon naman. O di kaya Pansit Canton. Basta kahit anong pansit. Iyon ang paborito ni Tita Mariet. Pansit.
Kung kaya bago ako mag-asawa, magpapaturo ako kay Lola Mariet kung paano magluto ng masarap na Adobo. Hindi Pansit. Wala lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment